MPLHS, naging punong- abala
Naging punong- abala ang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Heneral Santos (MPLHS) sa ginanap na Philippine Merchant Marine Academy PMMA) Entrance Exam., Sept 25,2010.

Philippine Merchant Marine Academy Entrance Examination

Jovit, sumisikat na
Si Jovit Baldivino ang “small but terrible†ng Batangas. Siya ay naging Grand Champion sa isang paligsahan sa telebisyon, ito ay ang Plipinas Got Talent. Simula sa audition ni Jovit sa PGT napabilib agad niya ang taong bayan at maging si Ms. Ai-ai Delas Alas ay napaiyak ng mabigay siya ng komento at kahit noong hindi pa siya nananalo ay sumikat na ang awitin niyang “ Faithfullyâ€.

DOF, planong alsisin ang tax exemption ng senior citizens
“Pinag-iisipan ng Department of Finance (DOF) na alisin ang exemption privilege ng mga senior citizens sa 12-porsyentong value-added tax (VAT),†pahayag ni Finance Secretary Cesar Purisima, Setyembre 7, 2010.
Ang pag-aalis ng VAT exemption mula sa mga senior citizens ay isa lamang diumano sa napakaraming mungkahing natatanggap ng kanilang ahensya mula sa iba’t ibang sektor ng gobyerno, kabilang na ang Kongreso, upang mas mapalago ang revenues at malunasan ang kakulangan sa pondo, ayon rin kay Purisima.
"The best teachers teach from the heart, not from the book."
Ito ang pinatunayan ng mga guro ng Mataas na Paaralang Lungsod ng Heneral Santos(MPLHS) kaugnay sa ginanap na Worldwide Celebration ng Teachers Day sa Taiwan Hall ng nasabing paaralan,Oktubre 14,2010.
Ipinakita ng mga piling guro ang kani-kanilang galing lalung lalo na sa pag-awit at pagrampa sa gitna ng entablado sa ginanap na CATWALK.

Sex Education, ituturo sa high school at elementarya
Nais ng Alliance of Concerned Teachers na aprubahan ng Departamento ng Edukasyon na isama bilang aralin sa high school at elementarya ang sex education. Sinabi ni ACT Chairman Antonio Tinio, na sa pamamagitan nito ay mabubuksan ng tama ang kuryosidad ng mga kabataan hinggil sa sex at mabatid na ito ay may kaakibat na responsibilidad.
More Articles...
Page 7 of 13