You are here:: Publication IT Updates DPSA Ano Ang Kwento Mo?
 
 

Principal-Led Building, Centralized CR ng MPHLS, pinasinayaan

E-mail Print PDF

Sa layuning matugunan ang kakulangan ng silid-aralan at ang pangangailangan ng mga mag-aral, pormal nang pinasinayaan ang Principal-Led Building at Centralized CR sa Mataas na Paaralang Lungsod ng Heneral Santos (MPLHS), Hulyo 11,2009.

Ipinatayo ang gusaling ito bilang pangunahing proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon at Pamahalaang Nasyunal na may pondong P4 na milyon na may apat na silig-aralan  na inakupahan ng Ikapat na Taon.

Ipinatayo ang gusali sa pangunguna ni Angelito C. Llanos, punungguro ng MPHLS, sa tulong ng Rockstone Construction at Triple Z Construction na pinamunuan nina Engineer Domingo S. Gumban Sr. at Engineer Emiliano L. Lacan. 

Naging panauhing pandangal sina G.Diodado Ablanido, Assistant Schools Division Superintendent, Hon. Margarette Rose N. Santos, City Councilor at Chairperson ng Education Committee ng Lungsod at mga bagong halal na PTA Officers na iniluklok sa kanilang tungkulin sa araw ding iyon.

To address the talents of the students and to give the needs of the teachers to mold the students, ang kahalagahan ng gusaling pinasinayaan ayon kay  Estrella C. Lariosa CESO VI, School Division Superintendent ng Lungsod ng Heneral Santos.

Dagdag pa niya, dapat bigyang priyoridad ang MPLHS  dahil sa mabilis na pagtaas ng populasyon nito sa pagdaan  ng mga taon at upang mas mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral  at  mapagpatuloy ng paaralan ang magandang perpormans nito sa larangan ng  Science, Mathematics, English , Arts at maging sa larangan ng Isports at iba pang asignatura. 

The increase of 5% in NAT of GSCHS  and a high grade in RAMSEY which is given by BEAM really made  General Santos City be on the highest rank among the region/ city in Mindanao,ayon pa  kaniya.

Aniya, ang kahanga-hangang perpormans din ng mga estudyante sa paaralan noong nakaraang National Achievement test (NAT) at maging sa Regional Test ay nagdulot ng isang magandang imahe para sa Lungsod ng Heneral Santos.

Binigyang- diin din ng Superitendent na target nilang hikayatin ang mga Out of School Youth na mag-aral sa MPLHS sa tulong ng lokal na pamahalaan na muling mag-aral.Lalo na nga’t isa na sa mga Curriculum ng MPLHS  ang Alternative Learning System(ALS). Kaugnay nito, magbibigay din umano ang gobyerno ng mga scholarships para sa mga kabataang hindi kayang suportahan ang kanilang pangagailangan.

That is what we need, cooperation of everyone, makahulugang nabanggit ni Gng. Lariosa. Sinang-ayunan naman ito ni Hon. Margarette Rose N. Santos, City Councilor at Chairperson ng Education Committee ng Lungsod. Sinaluduhan din niya ang mga guro na buong pusong ibinahagi ang kanilang mga kaalaman sa mga mag-aaral.

I hope that these classrooms be filled with memories of lifetime”, maikling pagtatapos ni Councilor Santos.

We should not stop giving our best”. Wika ni Schools Division Superintendent Estrella C. Lariosa CESO VI, sa kanyang talumpati sa ginanap na Turn-Over ceremony sa Mataas na Paaralang Lungsod ng Heneral Santos, hulyo 11, 2009.

“The future of the children will always be in our hands”, dagdag pa ni Lariosa habang kanyang binibigyang-diin ang tungkulin ng mga magulang na dalhin sa paaralan ang kanilang mga anak upang mabugyan ng sapat na edukasyon sa karagdagantulong na maibibigay ng mga bagong silid-aralan na idinesyo ni Engineer Domingo S. Gumban Sr., pati na ang mga bagong palikuran na idinesenyo ni Engineer Emiliano L. Lacan.

Sa pamamagitan nito mas lalong mahihikayat ang mga estudyante na mag-aaral ng mabuti at makakatulong sa paghasa ng kani-kanilang talento at talino.

“Let us work hand-in-hand for the good of the community”, mariing paghahatid ni Ginoong Angelito C. Llanos sa mga guro at opisyalesng paaralan.

Nagkaroon din ng panunumpa ng kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal na PTA at Federated Officers, kasama na ang pagbibigay- salamat ni Ginoong Reynaldo Salubre, ang bagong halal na PTA president, sa mga taong nagtiwala at lumuklok sa kanya sa puwesto.

Kabilang sa mga panauhing dumalo ay sina Hon. Kagawad Margarette Rose Santos, Ginoong Reynaldo Salubre, mga PTA officers, Federated officers at mga guro.


d}