You are here:: Publication Pastol MPLHS, nagkamit ng parangal
 
 

MPLHS, nagkamit ng parangal

E-mail Print PDF

Search for Magandang GenSan Village 2010

Sa layuning maipamalas ang mga talentong angkin ng mga estudyante sa MPLHS at maipakita ang kagandahan ng paaralan, nakilahok ang nasabing paaralan sa kumpetisyong binanggit.

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Departamento ng Turismo (Dept. of Tourism) ang isang paligsahan na kaugnay sa pagdiriwang "National Tourism Week" noong Setyembre 14-30 taong kasalukuyan.Ninanais ng lokal na pamahalaan na mabigyang pansin ang Lungsod ng Heneral Santos bilang isang lugar na nakatawag- pansin sa mga turista.

"Tourism and Biodiversity" ang tema sa nasabing pagdiriwang. Kabilang sa nasabing pagdiriwang. Kabilang sa mga representante ng lokal na pamahalaan na nagsilbing husgado rin ay sina, Arcal Elwyn Banares, president- Local United Archotech of the Phil. Joana Grace Banting-Lapore, Liberal Arts Director, Ramon Magsaysay Memorial Colleges, Alma Zerrudo, representante ng City Economic Management Cooperative Development.Kaugnay sa nasabing tema, ang pagkamalikhain at ang pagkaorihinal ang binigyang-diin sa paligsahan.

Ipinamalas ng mga estudante ng Espesyal na Programa ng Sining( Special Program in the Arts) sa pangunguna ng koordineytor na si Nida p. Lumunsad ang iba't ibang talentong angkin ng mga mag-aaral sa dance, voice, theater at media arts.

Tampok din sa paligsahan ang iba'tibang kubol ( booth) na nagrerepresenta ng apat na kurikulum ng paaralan. Ang Basic Education Curriculum ( BEC), Special program in the Arts ( SPA), Special Sience Class ( SSC ) at ang Special Program in Sports ( SPS).

Sinuportahan din ng mga learners sa Alternative Learning System ( ALS) ang nasabing paligsahan.Sa pangunguna ni Elvira V.  Anub, koordineytor ng ALS ay ipinakita rin nito ang mga produktong gawa nila.

Maging ang punong-guro ng nasabing paaralan na si Angelito C. Llanos at Eduardo C. Factor, pangulo ng PTA at ang ilang mga guro ay naglaan din ng panahon sa pagsuporta sa paligsahan. Itinanghal na kampeon ang MPLHS sa binanggit na paligsahan.