You are here:: Publication Pastol Santos, namuno sa panunumpa
 
 

Santos, namuno sa panunumpa

E-mail Print PDF

GPTA Induction Of Officers and Fellowship Program
   Santos, namuno sa panunumpa
                                         Ni: Judy Castillo

 “Education begins in your own Homes”.
 Ito ang mariing sinabi ni Hon. Margareth Rose “Meg” Santos, ang namumuno sa komiteng Edukasyon ng Lungsod ng Heneral Santos na siyang naimbitahang pinunong tagapagtalaga sa katungkulan ng bagong halal na mga pinuno  ng General Parents and Teachers Association (GPTA) ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Heneral Santos na ginanap sa Taiwan Hall ng MPLHS noong Agosto 27, 2010.

 

 Ayon pa kay Hon. Meg Santos, sana hind magsawang sumuporta ang mga magulang sa kanilang mga anak.

 Si G. Eduardo F. Factor ang inihalal na bagong president ng GPTA. Ang bise-presidente naman ay si G. Edelito B. Cawit.Sinundan ni Sir Josefivarleo C. Tubo na itinalagabilang sekretarya, G. Noel C. Chiva bilang ingat-yaman, G. Willie C. Ramos naman ang Auditor.
 Samantala, dumalo rin sa nasabing palatuntunan ang Division Supervisor, ES-1, Mathematics at tsirman ng  PTA Affairs na si G. Victorino E. Fuentes Jr.