You are here:: Publication Pastol 'Tawa Tawa' Kontra Dengue Pag-aaralan
 
 

'Tawa Tawa' Kontra Dengue Pag-aaralan

E-mail Print PDF

Ang tawa tawa na kilala rin sa tawag na gatas-gatas ay pinaniniwalaang nakakapagpataas ng platelet count ng mga may dengue.

Ang tawa tawa ay maaring makita sa kahit saang bakuran na may mga tumutubong halaman. Ayon naman kay Dr. Isidro Sia, direktor ng Institute of Herbal Medicine (IHM), wala pang patunay sa bisa ng tawa tawa.



"Walang mga pag-aaral o ebidensya para tuwirang sabihin na ang tawa tawa ang nakapagpapagaling ng dengue. Magsasagawa naman ng pag-aaral dito ang Department of Healt (DOH)."Wala pa tayong talagang tunay na ebidensya upang maipakita na talagang ngang makapagpapagling ang tawa-tawa effective.Subalit, isasama ho natin iyon sa ating susuriin," ani DOH Secretary Enrique Ona.

Ayon sa DOH at IHM, wala rin namang masamang epekto na iinumin ang tsaa na tawa tawa, pero paalala lamang nila na kasabay ng pag-inom nito’y  dapat pa ring sundin ang gamot na ibinigay ng doktor.