You are here:: Publication Pastol Sex Education, ituturo sa high school at elementarya
 
 

Sex Education, ituturo sa high school at elementarya

E-mail Print PDF

Nais ng Alliance of Concerned Teachers na aprubahan ng Departamento ng Edukasyon na isama bilang aralin sa high school at elementarya ang sex education. Sinabi ni ACT Chairman Antonio Tinio, na sa pamamagitan nito ay mabubuksan ng tama ang kuryosidad ng mga kabataan hinggil sa sex at mabatid na ito ay may kaakibat na responsibilidad.



Gusto namang linawin ni Education Assistant Secretary for Programs and Projects Teresita Inciong na ang “sex education” ay matagal ng isinali ng Departmento bilang paksa at nabibilang ito sa “science and health” na aralin ng mga estudyante, ngunit hindi sumasang-ayon ang simbahang katoliko dito.

Sinabi ni Education Secretary Jesli Lapus na hihintayin pa nila ang pag-apruba dito ng Presedential Council on Values Formation kung saan ito ay pinag-aaralan pa ng mga guro sa sekondarya sa kanilang “Adolescent Reproductive Health Manuals.”

Nilinaw na rin ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi ito tinutulan ng simabahan, ngunit ito ay dapat isagawa ng naayon sa pananaw ng Katoliko at ito ay angkop sa edad ng mga estudyante. Dagdag pa niya, na dapat din ito ikonsulta ng DepEd sa pagpapatupad ng sex education sa iba pang mga sector na may malawak na kaalaman sa “sex education”,hindi lang ang mga katoliko, at hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa paraan ng pagtuturo ng ibang bansa dahil may kani-kaniyang mga kultura tayo.