You are here:: Publication Pastol "The best teachers teach from the heart, not from the book."
 
 

"The best teachers teach from the heart, not from the book."

E-mail Print PDF

Ito ang pinatunayan ng mga guro ng Mataas na Paaralang Lungsod ng Heneral Santos(MPLHS) kaugnay sa ginanap na Worldwide Celebration ng Teachers Day sa Taiwan Hall ng nasabing paaralan,Oktubre 14,2010.

Ipinakita ng mga piling guro ang kani-kanilang galing lalung lalo na sa pag-awit at pagrampa sa gitna ng entablado sa ginanap na CATWALK.

Inilabas ng mga guro ang kanilang naiibang kagandahan at kagwapuhan sa pagdala ng mga iba't ibang kasoutan gaya ng executive,jeans, anime,sports,at ang school uniform attire.

Naging panauhin at hurado sa paligsahang catwalk  ang SK chairman ng Baranggay Calumpang, Lungsod ng Heneral Santos na si Marianne Dayap na nagbigay suporta din sa lahat ng mga guro upang maisakatuparan ang pagpapasaya sa kanila.

Tinanghal na best in sports attire si Michelou Castillo at Junrey Camilan naman sa best in anime attire na parehong guro sa ika-4 na taon,best in jeans si Shamela Bagtindon at best in executive attire naman si Lucilo Gadian na parehong guro din sa ika-2 taon, si Rene Dondoyano naman ang nakuha ng best in uniform attire na guro sa unang taon.
Si Angelito C. Llanos,prinsipal ng MPLHS ang naggawad  ng mga papremyo sa mga nasabing guro. Natapos ang programa na may kagalakan at katuwaan ang mga estuyante at mga nangaroong bisita.