You are here:: Publication Pastol DOF, planong alsisin ang tax exemption ng senior citizens
 
 

DOF, planong alsisin ang tax exemption ng senior citizens

E-mail Print PDF

“Pinag-iisipan ng Department of Finance (DOF) na alisin ang exemption privilege ng mga senior citizens sa 12-porsyentong value-added tax (VAT),” pahayag ni Finance Secretary Cesar Purisima, Setyembre 7, 2010.

Ang pag-aalis ng VAT exemption mula sa mga senior citizens ay isa lamang diumano sa napakaraming mungkahing natatanggap ng kanilang ahensya mula sa iba’t ibang sektor ng gobyerno, kabilang na ang Kongreso, upang mas mapalago ang revenues at malunasan ang kakulangan sa pondo, ayon rin kay Purisima.



“Kailangang pag-aralan ang lahat ng mga mungkahing iyan,” ayon pa rin sa kanya matapos ang unang pagdinig ng Senado ukol sa pinaplanong badyet para sa 2011.

Dahil umano sa mga tax exemptions na ito, paliwanag ni Senador Sergio “Serge” Osmena na namumuno sa senate committee on banks, halos P100 bilyon ang ikinalugi ng paahalaan.

“Kung ipagkakaloob natin ang pribilehiyong ito sa kahit sinumang may palagay na kinakailangan nila ng tax exemption, matatapyasan natin ang revenue base ng gobyerno na mangangahukugang hindi tayo makapaglalaan ng sapat na pondo para sa edukasyon at suweldo ng mga naghahanap-buhay,” dagdag ni Osmena.

Ngunit para naman kay Senador Pia Cayetano, pangunahing sponsor ng Expanded Senior Citizens Act, ang pahayag na ito ni Osmena ay hindi makatarungan.

“Sa panahong tulad nito na nagtataasan na ang presyo ng mga pangunahing bilihin, dapat lamang na sila’y pagkalooban ng batas ng “improved purchasing power” tungo sa mas maayos na kalusugan,” depensa ni Cayetano.

Bilang karagdagan, iminungkahi rin ni Osmena na kung magdedesisyon ang DOF na tuluyang alisin ang pribilehiyong ng mga senior citizens, ang tax exemption na ito ay dapat na tumaas ng hanggang 12 porsyento sa kasalukuyang senior citizen’s discount.

“Ang dapat nilang gawin ukol sa isyung ito ay bigyan ng 32 porsyentong diskwento ang mga senior citizens, ngunit sila ay hindi dapat na tuuyang i-exempt sa VAT nang sa ganoon ay magkakaroon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga resibo at proper audit trail.,” suhestyon ni Osmena.