You are here:: Publication Pastol Jovit, sumisikat na
 
 

Jovit, sumisikat na

E-mail Print PDF

Si Jovit Baldivino ang “small but terrible” ng Batangas. Siya ay naging Grand Champion sa isang paligsahan sa telebisyon, ito ay ang Plipinas Got Talent. Simula sa audition ni Jovit sa PGT napabilib agad niya ang taong bayan at maging si Ms. Ai-ai  Delas Alas ay napaiyak ng mabigay siya ng komento at kahit noong hindi pa siya nananalo ay sumikat na ang awitin niyang “ Faithfully”.



Hindi naman talaga kagulat-gulat na mapasok siya sa top 36 dahil  sa kakaiba rin niyang boses niya. Sa elimination round naman ay napahanga naman niya ang mga hurado at ang taong bayan dahil sa kinanta niyang “Carry”. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na boto galing sa taong bayan.
Nang umabot na sa Grand Finals, sobrang ibinigay ng mga kalahok ang kanilang makakaya at tulad din ni Jovit, todo-todo niyang ibinirit ang kantang “Too Much Love Will Kill You”. Nagbigay ng kumento si Kris Aquino-Yap kay Jovit at sinabi niyang nakikita niyang nanonood si Peo Enginal, nakaupo sa audience seat.

Nang dumating na ang  araw ng mga resulta ng botohan, napasok si Jovit sa Top 3 na may pinakamataas na boto at siya ang itinanghal na First Pilipinas Got Talent Season 1 Grand Champion at unti-unting sumikat si Jovit. Naging guest na rin siya sa mga gameshow sa TV katulad na lamang ng Showtime, Wowowee, at Simply KC.