You are here:: Publication Pastol Philippine Merchant Marine Academy Entrance Examination
 
 

Philippine Merchant Marine Academy Entrance Examination

E-mail Print PDF

MPLHS, naging punong- abala

Naging punong- abala ang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Heneral Santos (MPLHS) sa ginanap  na Philippine Merchant Marine Academy PMMA) Entrance Exam., Sept 25,2010.



Mahigit 235 estudyante ang kumuha ng pagsusulit na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon XII.

Isa lamang ang MPLHS sa napili na maging testing center sa buong Pilipinas na pinagdausan ng nasabing pagsusulit. Ayon pa nga kay CDR Roy C. Palmejar,marketing head,training center ng PMMA, napili nila ang nasabing paaralan upang pagdausan ng pagsusulit sapagkat ang suporta at mainit na pagtanggap ng prinsipal na si Angelito C. Llanos at Flora A. Espina, testing coordinator at iba pang guro ang kanilang pinagbabasehan upang piliin ang paaralang nabanggit.Sinasabing humigit tatlong beses na silang pabalik-balik sila dito sa MPLHS  upang isagawa ang nasabing pagsusulit.

Kabilang sa mga gurong nagbigay ng panahon na naging proktor din sa naganap na pagsusulit ay sina Ammabella Hapitan,Rebecca Panaguiton,Sioderly Barrieses at Marvinia Malabarbas .

Nakibahagi din sa pagsusulit na ginanap ang mga piling tauhan ng Philippine Coastguard.