You are here:: Publication Pastol PMMA Entrance Examination 2011
 
 

PMMA Entrance Examination 2011

E-mail Print PDF

MPLHS, naging punong - abala

Naging punong- abala ang Mataas na Paaralan Lungsod ng Heneral Santos (MPLHS) sa ginanap na Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Entrance Examination, Sept. 24, 2011.

Kabilang sa 32 na paaralan sa Pilipinas, isa ang MPLHS sa napili  na maging testing center sa Mindanao. Ayon pa kay Engr. Elmer Olea, tagapangasiwa ng nasabing eksaminasyon, napili nilang pagdausan ang nasabing paaralan sapagkat hindi lang maganda ang lugar suportado sila ng punong- guro na si G. Angelito C. Llanos, Ammabella Hapitan, Guidance Counsellor at ang aktibong testing coordinator na si Flora A. Espina.Ayon pa rin ky G. Olea, magagaling at mababait ang mga proctors na nagsilbi sa ginawang pagsusulit.

Sinasabing mahigit 131 na mga estudyante ang kumuha ng eksaminasyon

Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong estudyanta na nasa ika-4 na taon sa sekundarya na hindi lalagpas ang edad sa 22 taong gulang, na mula pa sa malalayong lugar ng Mindanao ng isang opurtunidad na makakuha ng pagsusulit na di na kaiangang bumiyahe sa Zambales kung saan naroon ang akademya.

Batay sa binigkasni Engr. Olea, maganda ang nakaabang na pagkakataon sa lahat na mga makakapasa sa pagsusulit at makapasok sa kanilang akademya sa kadahilanang mabibigyan nila ng magandang bukas ang kanilang mga sarili at maging ang kani- kanilang mga pamilya.