You are here:: Publication Pastol Populasyon ng PMPLHS tumaas ng 3.71%
 
 

Populasyon ng PMPLHS tumaas ng 3.71%

E-mail Print PDF

Mula sa 8,809 na tala noong nakaraang taon, tumaas ng 3.71%  ang bilang ng mga mag- aaral na pumasok sa Pambansang Mataas na Paaralan  ng Lungsod ng Heneral Santos ( PMPLHS ) na may 9,209 na ngayong taon.

 

Sa kabuuan, mayroong 2,644 na mag- aaral ang Grade 7 at umabot naman sa 2,407 ang bilang ng  mga estudyante sa Grade 8, sa Ikatlong taon naman ay 2,206 t ang ikaapat na taon ay may 1,952 na bilang ng mga mag- aaral.

Patuloy pa ring itinataguyod ng PMPLHS ang Special Program in the Arts (SPA ), Special Program for Sports (SPS) , Science Technology and Engineering Program (STE) na dating Science and Curriculum at ang Basic Education  Curriculum ( BEC ).

Upang mabigyan ng kaginhawaan ang mga mag-aaral sa Grade 8, may 18 na pangkat ang gumagamit ng siyam na silid- aralan ng bagong pinasinayaan na gusali ng Departamento ng Edukasyon na may tatlong palapag.

Nanatili pa ring buong araw ang klase ng SPA, SPS at STE. Samantalang patuloy na ipinapatupad ang double session scheme ( pang- umaga at pang-hapon na klase ng BEC.


ated}