You are here:: Publication Pastol Sarangani Energy Corp., namahagi ng 27 kompyuters
 
 

Sarangani Energy Corp., namahagi ng 27 kompyuters

E-mail Print PDF

“ Enhance the skills and knowledge of students especially to the  world of cyber education”.

Ito ang binitiwang pahayag ni G. Angelito C. Llanos, prinsipal ng Pambansang  Mataas na Paaralan sa Lungsod  ng Heneral Santos ( PMPLHS ) sa ginanap  na pamamahagi ng 27 na mga  kompyuter sa tatlong paaralan ng Lunsod ng Heneral Santos, Setyembre 17.

Kabilang sa nabiyayaan  ay ang  Bawing National High School , PMPLHS at Lagao National High School. Ang bawat paaralan ay nakatanggap ng 9 na  mga kompyuter na may lisensyadong programang windows.

Dumalo sa nasabing programa si Atty. Arnel Zapatos, City Administrator at G. Mario M. Bermudez, Asst. School Division Superintendent.

Binigyang- diin ni G. Nicandro R. Fucoy, Vice Pres. & Head- Project Implementation ,na layunin ng nabanggit na kumpanya na mabigyan ang mga estudyante ng lubos  na kaalaman sa  larangan ng teknolohiya .

Lubos ang pasasalamat ni G. Ronnie Espregante, principal ng Bawing National High School at G. Efren Lemana ng Lagao National High School na kabilang ang mga paaralan na  kanilang pinamumunuan na nabiyayaan ng makabagong teknolohiya.

Naniniwala din si G. Llanos na higit na masisiyahan ang mga estudyante sa mga ipinamahaging mga gamit.


Join Now