You are here:: Publication Pastol Populasyon ng PMPLHS, umabot na sa 9,656
 
 

Populasyon ng PMPLHS, umabot na sa 9,656

E-mail Print PDF

Abante City High!

Ito ang katagang namamayagpag ngayon sa binansagang ‘Biggest School in Region XII’ na Pambansang Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Heneral Santos ( PMPLHS ) na kung saa’y umabot na sa 9,556 ang bilang ng mga estudyante sa taunang pampaaralang 2014-2015.

Sa kabuuan, mayroong 2,797 na mag-aaral ang Grade 7  at 2,537 naman sa Grade 8, 2,297 naman ang bilang ng estudyante sa Grade 9 at 2,025 ang nasa Ika apat na taon.

Itinataguyod pa rin ng PMPLHS ang Special Program in the Arts ( SPA )at Basic Education Curiculum ( BEC ), samantalang pinalitan ng Science Technology Engineering and Math ( STEM ) ang dating SciCur at  Sports Academy naman ang Special Program in Sports(SPS).

Patuloy pa ring ipinapatupad ng nasabing paaralan ang buong araw na klase sa STEM, SPA at Sports Academy at  idinagdag  na din dito ang  Ika apat na taon ( Fourth Year). Samantalang, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng double session scheme (pang- umaga at panghapong klase) sa Grade 7 hanggang Grade 9.

Nananatili pa rin ang pagtataguyod ng programa para sa mga Out of School Youth ng Alternative Learning School( ALS ) na may 315 bilang ng mga learners .


Join Now