You are here:: Publication Pastol Gerald, Piolo bumisita sa PMPLHS
 
 

Gerald, Piolo bumisita sa PMPLHS

E-mail Print PDF

Iba na ang sikat!

Ito ang katagang naisambit ng mga mag- aral  ng  Pambansang Mataas  na Paaralan ng Lungsod ng Heneral Santos ( PMPLHS ) nang kanilang nasaksihan ang pagdalaw ng dalawang bantog na mga artista na sina Gerald Anderson at Piolo Pascual, Hunyo 7,2014.

Layunin ng pagbisita ng dalawang bituin na mabigyan ng pagkakataon na maipakita sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang programang- telebisyon sa Studio 23 na Team U ang kakayahan ng mga atletang City High.

 

Kasama ring dumalaw ang mga kilalang personalidad sa larangan ng pampalakasan na sina Gretchen Ho, dating manlalaro ng Pamantasan ng Pilipinas (U.P), Arman del Rosario, manlalaro ng koponang Azkalz, Marco Martinez, conditioning coach ng koponang Alaska at  Sebastian Repoll, Technical Consultant na naglaan ng panahon na maibahagi ang kanilang estratehiya at kagalingan sa paglalaro sa mga estudyanteng-atleta at sa mga gurong-tagapagsanay.

Malaki ang pasasalamat ni G. Angelito C. Llanos, prinsipal ng nasabing paaralan sa pagbisita nina Gerald at Piolo at sa mga magagaling na atletang- personalidad dahil nabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kakaibang atletang tatak City High sa bansang Pilipinas.






ated}