You are here:: Publication Pastol Bato sa Buhay ng Tao
 
 

Bato sa Buhay ng Tao

E-mail Print PDF

Ano ang kahulugan ng mga bato?

Magaspang, makinis, malaki , maliit  at talagang pakalat-kalat lamang sa mga daan. Pero alam niyo ba na ang mga bato ay hindi lamang pakalat  -kalat sa kapaligiran sa halip nakakalat din  ang mga kuhulugan nito sa buhay ng isang tao? Ayon kay George Frederick Kunz ng Amerika, isa sa mga eksperto pagdating sa mga bato, ang mga ito raw ay may mga koneksyon sa buhay ng isang tao.



Marami ring naidudulot na maganda ang mga bato, minsang ginagawang alahas, mga palamuti at ginagawa ring pandekorasyon at kasangkapan sa bahay tulad ng mga plorera, mesa, at mga bangang minsan nilalagyan ng mga tubig. Tiyak na kapakipakinabang  ang mga ito lalung- lalo na ang mga "gems" na sa tingkad at kaakit-akit nitong tingnan, talagang mapapa "wow" ka sa tunay nitong kaanyuan. Talagang mapapahanga ka lalo na kung  alam mong may nais siyang ipahiwatig sa iyo, tulad na lamang ng batong...

GARNET. Hindi ba kamangha-mangha ang mapupulang kulay ng batong garnetana na kadalasang makikita sa mga 'antique jewelry'? Sa paningin ng iba , hindi talaga nakakamangha ang kulay nito, subalit meron din namang naniniwala na ang batong garnet ay  may mas malalalim na kahulugan na sumisimbolo ng lakas, liderato, pagmamahal at kaantigan.     Hindi lamang ‘yan, sa katunayan, ang garneta ay isa sa mga 'gems' na nagbibigay ng bagong lakas na nakapagtutulak na mapaunlad pa ang mundo ng mga hiyas sa ngayon.

RUBY. Ano bang kulay ang gusto mong iugnay sa pagmamahal at kasiglahan? Di ba pula?  Pula ang kulay ng pagmamahal. Ito ang nagpapalawak ng alab at matinding kahulugan ng buhay. At  pula rin ang kulay ng  mamahaling ruby., ang hari ng mga bato. Sa nakakaakit na mundo ng mga 'gemstone', ang ruby ang pinakamakapangyarihang reglador. Ngunit alam niyo bang may malaking naidudulot ang batong ito pagdating sa larangan ng siyensya?, - Alam niyo bang ang pinakaunang naimbentong ‘laser’ ay gawa sa bubog ng ruby. Hanggang sa ngayon patuloy pa ring ginagamit ang ruby bilang isang kasangkapan sa pagbuo ng isang laser.

DIAMANTE. Diamond rings, diamonds earrings. Wow! Talagang mapapabilib ka sa mga mga presyo nito, minsan umaabot ito  ng P 500, 000 at minsan nga lampas isang milyon . Ganito natin mailalarawan ang diyamante. Talagang napakahalaga ng diyamante , dahil  mapapaunlad nito ang ekonomiya, maraming mayayamang turista ang  bumibili ng ganitong mamahaling bato. Sa kagandahan nito, sumasagisag  ito ng pagiging malinis at matapang.

PEARL. Kung may diyamante, halina’t lumangoy tayo at kunin sa mga naglalakihang mga talaba ang batong ‘pearl’ o perlas. Halos mapapamangha ka sa tunay nitong ganda dahil sa ningning at natural nitong gawa ng kalikasan. Alam niyo bang hindi karaniwan ang batong ito at pambihira lamang itong makita,? Dahil sa limitasyon nito, maraming mga negosyante ang hindi na nag-aalanganing kumuha nito. Araw-araw, kung may pagkakataon, gigawa itong mga alahas; ikinakabit ng isa-isa para mapahiwatig pa nito ang tunay na kahulugan sa buhay ng tao, sa kumikislap nitong anyo, may kaakibat itong tiwala sa sarili na siyang nagdadala ng magandang kapalaran sa isang nilalang.

Hindi namn magpapatalo ang tatlong nagniningningang mga baton a kulay asul ang AQUAMARINE, TURQUOISE, SAPPHIRE. Mga batong naglalarawan sa buhay ng tao ng pagiging palakaibigan sa kapwa, sa malamig na kulay nito, nagsisimbolo ito ng isang pagiging matatag at malinis. Asul rin ang sumisimbolo ng kapayapaan. Malaki rin ang naidudulot ng mga batong ito sa pag-unlad ng ating bansa, binibili ito sa halagang hindi mapapantayan ng karaniwan lamang.

Kung sa ganda at katanyagan sa mundo ng mga bato, magpapahuli ba naman ang JADE  diyan? Seyempre hindi, sa kariktan nito lahat ay mabibighani at ang kanyang kaakit-akit na panghalina ang nagbunsod sa ga tao noong unang panahon upang gamitin ito bilang mahalagang kasangkapan sa pang-uukit.Ang kulay berdeng kabuuan ng Jade ay naglalarawan sa kasaganaan ng buhay ng tao at ang kulay ng Inang Kalikasan na nangangailangan ng pag-aaruga.

Ginto ang pinakapopular sa lahat ng bato.Napakahalaga nito sa buhay ng tao noon hanggang ngayon.Kasi ito ay mahalagang kagamitan sa paggawa ng alahas,barya at sa iba’t ibang uri ng sining.Ang gintomay sumisimbolo ng kadakilaan, katanyagan at kayamanan sa kahit ano mang panahon.

Napakaraming mga bato ang nakapaligid sa  ating inang daigdig ngunit iilamang ang mga batong iyan na nabanggit ang itinuturing na mga ‘gems’ ng kalikasan at ‘gems’ ng ating buhay.

Sa katunayan, umaabot ng mahigit 40 uri ng iba’t ibang gems ang makikita natin sa paligid. Kahit ano mang uri ng ‘gems’ ang ating iniingat- ingatan at binibigyang yaman, kahit ano man ang anyo nito o itsura, lahat ng bato na nakapaligid sa atin, silang lahat ay regalo ng kalikasan, kaya dapat natin itong alagaan at bigyang katuturan sa ating buhay.