You are here:: Publication Pastol Pagkabata: Isang sangkap ng Buhay
 
 

Pagkabata: Isang sangkap ng Buhay

E-mail Print PDF

Ang isang paruparu ay di magiging ganap paruparu kapag di siya dumaan sa kanyang pagka uod!

Ang bawat nilalang na nilikha ng Diyos ay nagsisimula sa kanilang pagkabata  hanggang sa makarating sila sa kanilang pagtanda. Isa itong sangkap ng buhay  kung saan dito tayo natututong makisalamuha sa mga bagay-bagay na nangyayari o nagaganap sa ating kapaligiran.



Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging kasiya-siya o kawili-wili ang maging isang bata. Para bagang ito’y isang misteryong bumabalot sa ating katauhan, na sa kabilang dako nama’y masyadong mailap ang mga ksagutan.

Paano nga ba ang maging isang bata?

Isang katanungang alam na alam na ng mga matatanda dahil ito’y kanilang pinagdaanan na.  Batay sa kanilang karanasan, sa  pagkabata, natuto silang magbasa at sumulat, magbilang at umintindi ng mga bagay-bagay, natutuhang rumespeto at gumalang sa mga kapwa tao.Natutong sumagupa sa mga sa balakid ng buhay hanggang sa makayanang tumayong mag-isa at harapin nang buong tatag ang buhay.

Naihahalintulad ito sa isang paruparu na sa kanyang pagkabata ay marami pa siyang kakulangan na di  kayang punan ngunit sa pagdaan ng panahon ay tatanda rin siya at makakaya na niyang ipagaspas ang kanyang mga pakpak, lumipad nang matayog at makipagsapalaran upang mabuhay.

Lahat tayo ay dumadaan sa ating pagkabata. Kailangan lang nating sabayan ang agos ng panahon upang sa ating pagtanda ay hindi tayo makarating sa maling landas na matatahak. Sumunod lang sa mga gabay ng mga nakakatanda at iwasan ang di magandang daan patungo sa masamang landas.

Habang bata pa ay maging responsible na sa hinaharap. Dapat sabay-sabay na salubungin ang kinabukasan nang walang takot at pangamba. Tulad nang isang paruparu na ilang araw na nakukulong sa kanyang sisidlan at nang sa paggising sa umaga ay masayang iwinawagayway ang mga pakpak at lilipad nang matayog upang makipagsabayan sa agos ng buhay.