You are here:: Publication Rancher Mayor Darlene Antonino namahagi ng 10 robots
 
 

Mayor Darlene Antonino namahagi ng 10 robots

E-mail Print PDF

Upang mapataas ang antas at mapayabong ang kalidad ng mga estudyante sa larangan ng bagong teknolohiya,pormal na ipinamahagi ni Mayor Darlene Antonino ang 10 robots sa Pambansang Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Heneral Santos ( PMPLHS) sa pangunguna ni  G. Angelito c. Llanos, prinsipal ng nasabing paaralan na ginanap sa SM City, Lungsod ng Heneral Santos , Setyembre 4, 2012.

Dumalo din sa nasabing programa si G. Mario Bermudez,OIC- Asst. Schools Division Superintendent/ EPS-1 Mathematics, na siya ring nangunang tumanggap ng ibinahaging gamit ni Mayor.

Binigyang- diin ni Mayor Darlene  na kailangang mapataas ang kaalaman ng mga estudyante sa laragan ng teknolohiya upang may sapat na kakayahan itong makipagkumpitensya   sa buong mundo at mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng  nasa pampublikong paaralan na maging maalam tungkol sa bagong programa  na robotics.

Naipamahagi ang nasabing robot sa pamumuno ng SHEEP- CLC (Shelter Health Education Environment and Peace and Order- Computer Literacy Program) sa pangunguna ni G. Percival D. Pasuelo, tagapamahala sa nasabing bagong programa.

Kabalikat ng SHEEP-CLC ang Rapid Signal Electronics ( RSE ) sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa iba’t ibang pangkat  ng mga estudyanteng mula sa Engineering And Science Education Program (ESEP) at Special Program in the Arts (SPA).

Lubos ang pasasalamat ni G, Angelito C. Llanos sa ibinigay ng local na pamahalaan lalung- lalo na kay Mayor Darlene Antonino.

 


Join Now